top of page
-
Magkano per square meter?Ang pagdesign at pagdetalye ng steel frame ng isang bahay ay isang mabusising pamamaraan. Ang bawat plano ay indibidwal na dinidisenyo at pinag-aaralan gamit ang inyong architectural plan, kung kaya't walang isang presyo na akma para sa lahat ng sukat. Maaari niyo pong iemail ang inyong architectural plan sa build@smartsteel.com.ph
-
Saan gawa ang Smartsteel prefab steel frame?Lahat ng Smartsteel pre-fab frames ay gawa sa kalidad na bakal tulad ng galvanized high-tensile steel.
-
Subok bang matibay ang steel framing system?Ang bakal ay likas na matibay. Karamihan sa mga modernong systema ay gumagamit ng matataas na kalidad na mga bakal na naaangkop sa mga pamamaraan ng pagsasama (jointing methods), at ininhinyero ito upang matugunan ang mga kinakailangan sa istruktura.
-
Paano ako makakasiguro na gawa ito sa mabuting kalidad?Ang ating bakal ay gawa sa mahigpit na pagpapahintulot at ganap na sumusunod sa lahat ng nauugnay na pamantayan sa construction. Ito ay ininhinyero na gawa sa tumpak na sukat (precision engineered). Ang mga bakal na ito ay hindi rin umuurong, tumatabingi, bumabaluktot, lumulobo o namamaga sa paglipas ng panahon. Kung kaya't makakatulong ito na mabawasan ang mga back-job at mga issue sa repair at maintenance.
-
Napatunayan na ba na matibay ito sa haba ng panahon?Ang steel framing ay matagal nang ginagamit sa pabahay mula pa noong unang bahagi ng 1950's, at sa mga nagdaang taon ay nakakuha ng katanyagan sa buong mundo.
-
Ang Smartsteel raw ay termite-proof at hindi inaanay?Ang bakal ay hindi na kailangan lagyan ng mga insecticides o panglason sa anay, bukbok at fungus. Kung kaya't ang pagtayo ng iyong bahay gamit ang Smartsteel ay isang mahusay na paraan.
-
Hindi ba mainit sa loob ng isang steel-framed house?Ang mga frame ng Smartsteel ay maaaring iinsulate at iclad (can be insulated and cladded) gamit ang iba't ibang mga paraan na maaaring magbigay sa iyo ng nais mong mga katangiang thermal.
-
Mabilis ba ikabit ang Smartsteel?Dahil pre-fabricated na ito, ang mga steel frame na gawa sa Smartsteel ay pwede na agad ikabit pagdating sa inyong lugar.
-
Maaari bang ikabit ang Smartsteel gamit ang aking sariling contractor?Opo. Ang bawat steel frame ay may nakaimprentang label para sa assembly at may abang na mga butas (pre-punched service holes) para sa mga layuning electrical at plumbing.
-
Ano ba ang mga benefits sa paggamit ng Smartsteel?Ang Smartsteel frames ay eksaktong inihinyero (precision engineered), tuwid at matibay (straight and strong), magaan (lightweight) at darating itong pre-fabricated at ready-to-install sa inyong lugar. Hindi rin ito ginagamitan ng welding (no welding works) at ano pang mabibigat na kagamitang pangkonstruksyon. Kung kaya't siguradong mapapadali, mapapagaan, mapapabilis at makakatipid kayo. Nakakatulong din ito sa pagbawas ng excess materials o wastage.
-
Anong mga serbisyo ang meron kayo?Kasama sa aming mga serbisyo ang pagdesign, pagdetalye, pagbuo at pagkabit ng steel frame na nakabase sa inyong architectural plan.
-
Ang Smartsteel ba ay engineered at certified?Opo. Ang lahat ng plano at paggawa ay nilalagdaan ng mga rehistradong engineer at architect at nasasang-ayon sa mga kaugnayang mga pamantayan sa construction.
-
Meron po ba kayong roofing o cladding services?Wala po. Nakatutok po kami sa pre-fabrication ng mga bakal upang lalo pang mapabuti at mapahusay ang paggamit nito at makatulong sa industria at sa bansa. Gayunpaman, nakikipagtulungan kami sa iba't ibang mga contractor na nais gumamit ng Smartsteel.
bottom of page